Quran 2:269 — Ang Baka (Al-Baqarah)
يُؤتِى الحِكمَةَ مَن يَشاءُ ۚ وَمَن يُؤتَ الحِكمَةَ فَقَد أوتِىَ خَيرًا كَثيرًا ۗ وَما يَذَّكَّرُ إِلّا أُولُوا الأَلبٰبِ
Siya ay nagbibigay ng karunungan sa kung sinuman ang Kanyang pinili, at ang sinumang nakakamit ng karunungan, ay nakakamit ng isang malaking biyaya. Tanging ang mga may katalinuhan ang mag-iingat.
[2:268] Ang diyablo ay nangangako sa iyo ng kahirapan at nag-uutos na gumawa ng masama, samantalang ang DIYOS ay nangangako sa iyo ng kapatawaran mula sa Kanya at biyaya. Ang DIYOS ay Sagana, Ganap na Nakaaalam.
[2:270] Anuman ang iyong ibinibigay na tulong o kawanggawa na iyong tinutupad, lubos na batid iyon ng DIYOS. Ngunit ang mga masasama, wala silang mga tagapagtanggol.